MAKILAHOK SA PAGPAPATAKBO NG BAYAN

Ang ating kolektibong karapatan at obligasyon sa bayan ay hindi nagtatapos sa eleksyon.

Patuloy na makialam sa mga isyung kinakaharap ng bawat sektor ng mga mamamayan. Makialam, makiisa, at mag-organisa ng hanay.

Ipagtanggol ang Kalikasan! Ipagtanggol ang Bayan!

 

SAMAHAN SI ROSS SA PAKIKIBAKA

Halinang makilahok at sama-sama nating pangunahang balangkasin ang makabago, maka mamamayan at maka kalikasang bukas ng bayan ng Naujan.

Mulatin natin ang mga kababayan upang magkaisa at magpalakas ng hanay upang maisulong ang ating mithiin sa bayan.

Mag volunteer upang ikampanya ang adbokasiya ng mamamayan sa pangunguna ni Ross Delgado.

ROSS DELGADO

Para sa Kalikasan, Para sa Bayan.

pamilya

Bunso sa sampung magkakapatid, si ROSS DELGADO ay ipinanganak sa lugar na tinawag na Pugad Baboy sa Poblacion 1, Naujan.

Ang kanyang ama na si Ricardo Garcia Delgado na isang peryante ay tubong Isla Verde, Batangas.

Ang kanyang ina naman ay si Virginia Boquio Manuba,  isang labandera na taga Naujan at nagmula sa angkan ng  mga Maderazo at Carandan.

TUNAY NA BATANG NAUJAN

pinag-aralan

Pumasok na salimpusa sa Jose L. Basa Memorial School. Ngunit dahil sakitin, ito ay dinala ng kanyang mga kapatid sa Maynila. Nagtapos ng elementarya sa Ermita Catholic School bilang scholar at palagiang honor student.

Nagtapos ng hayskul sa Agustin Gutierrez Memorial Academy (AGMA). Naging topnotcher sa noon ay NCEE.

Kumuha ng kursong Pilosopiya sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila.

MAY TALINO  AT KAALAMAN

karanasan

Maagang kumilos sa pag-oorganisa ng mga kilusang masa sa Kalakhang Maynila at Gitnang Luson.

Nagtrabaho bilang Media Relations at Community Consultant sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Naging manunulat sa dyaryo at brodkaster sa radyo.

Naging General Manager ng pinakamalaking Transport Cooperative sa Pilipinas.

MAY ANGKING KAKAYAHAN

bayanihan NG BATANG naujan

Wala pa man sa puwesto, marami ng natulungan si Ross Delgado sa mga kababayan sa Naujan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Batang Naujan sa loob at labas ng bayan ng Naujan at gamit na rin ang sariling kakayanan. Mga Community Outreach, Medical Missions, Relief Missions, pagtatayo ng mga bahay sa mga nasalanta ng bagyo, kagamitan para sa mga guro at paaralan, hatid tulong sa mga manggagawang stranded sa labas ng Mindoro, at iba pa.

 

 

 

 

 

 

MALAWAKANG PAGBAHA

Napakaraming isyung kinakaharap ang bayan ng Naujan. Pangunahin ang banta sa ating kalikasan na kailangan nating pagtuonan ng agraarang pansin at solusyon.

TAMA NA!

INIHAHAING SOLUSYON

Tama na ang gamot kabayong sagot sa banta sa ating kapaligiran at kabuhayan. Panahon na upang sama-sama nating hanapan ito ng MAS permanenteng solusyon.

NGAYON NA!